Ang kantang ito ay tungkol sa mga kaibigan sa pagkabata. Kung ating i analyze ito, ito ay tungkol sa mga memorya ng kabataan nila, mga panahong sila pay naglalaro ng prinsipe at prinsesa, nag aawayan ng laruan, at sa kanilang mga pangako noong sila pay mga bata. Pero nang silay lumalaki, sila ay hindi nang nagkakasama, naguusap,at naglalaro. Nais nilang mabalik ang mga kabataan nila, pero dahil sa edad nila, hindi na mabalikan ang mga kanilang kabataan. Sila rin ay nabubuhay sa magkakahiwalay na paraan, kaya hanggang memorya lang at galimgim.
Nagustuhan ko ito dahil meron rin akong mga karanasan sa aking mga kabataan. May mga pinsan ako sa aming bahay noon, kami ay naglalaro ng mga taya-tayaan, patintero, tumbang preso, chinese garter, langit lupa, at bahay-bahayan. Hanggang may araw na kami-kami ay nagkahiwalay dahil sa problema sa pamilya, kaya kami ay lumipat. Nang sa panahon na iyon ay wala na akong mga kalaro. Ngayong kami na ay malalaki na, kami ay minsan-minsan lang ang aming pagkikita. Kaya tuwing sila ay nakikita ko, mga memorya ang aking mga nararamdaman. Pero napagtanto ko na hindi na mababalik ang mga masasayang panahon sa aming mga kabataan dahil ating mga kalaro dati ay may ibang buhay na. Ang iba ay may sarili na silang buhay.
Ang sinisimbolo ng kantang ito ay mga generation z at millenials.Lalo na’t mga millenials na mga tao, sila ay nakaranas ng magandang kabataan. Pero ngayon, ang mga millenials at generation z ay may iibang buhay na,tulad ng pagkakaroon ng sariling pamilya at trabaho.Sa madaling salita, ay mature na ang mga ating mga dating kalaro, kasama rin tayo. Tayong lahat ay hindi natin napapansin na tayo ay tumatanda. pero ang memorya at galimgim ay nasa isip parin natin.
Dati rati sabay pa nating pinangarap ang lahat
Umaawit pa sa hangin at amoy araw ang balat
Naaalala ko pa no’n nag-aagawan ng Nintendo
Kay sarap namang mabalikan ang ating kuwento
Lagi-lagi ka sa amin dumidiretso pag-uwi
Maglalaro ng tao-taong piso-pisong nabili
Umaawit ng theme song na sabay kinabisa
Kay sarap namang mabalikan ang alaalaIkaw ang kasama buhat noon
Ikaw ang pangarap hanggang ngayonDiba’t ikaw nga yung reyna at ako ang iyong hari
Ako yung prinsesang sagip mo palagi
Ngunit ngayo’y marami na ang nabago’t nangyari
Ngunit ‘di ang pagtingin na gaya pa rin ngDa-ra-rat-da dati
Da-ra-rat-da dati
Da-ra-rat-da dati
Na gaya pa rin ngDati rati ay palaging sabay na mag syesta
At sabay rin gigising alas kwatro y medya
Sabay manunuod ng paboritong programa
O kay tamis naman mabalikan ang alaalaDiba’t ikaw nga yung reyna at ako ang iyong hari
Ako yung prinsesang sagip mo palagi
Ngunit ngayo’y marami na ang nabago’t nangyari
Ngunit ‘di ang pagtingin na gaya pa rin ngDati rati ay naglalaro pa ng bahay-bahayan
Gamit-gamit ang mantel na tinatali sa kawayan
At pawang magkakalaban ‘pag nag tataya-tayaan
Pero singtamis ng kendi pag nagkakasal-kasalan
Diba dati ay nagkukunwaring Marvin at Jolina
Minsan ay tambalang Mylene at Bojo Molina
Ang sarap sigurong balikan ang mga alaala
Lalo na’t kung magkayap mga bata’t magkasama atParang Julio’t Julia lagi tayong magkasama (‘Di mapaghiwalay)
Sabay tayong umiiyak pag inaapi si Sarah (Hindi pwede yan)
Una kang kinakatok sa pagsapit ng umaga (‘Yan ang pag-ibig)
Sana mabalik pa natin ating pagsasamaDiba’t ikaw nga yung reyna at ako ang iyong hari
Ako yung prinsesang sagip mo palagi
Ngunit ngayo’y malayo ka’t malabong mangyariAng aking pagtingin
Oh ibulong nalang sa hangin (Ibulong na lang)
Pangarap na lang din
Na gaya pa rin ngDa-ra-rat-da dati
Da-ra-rat-da dati
Da-ra-rat-da dati
Na gaya pa rinDa-ra-rat-da dati
Da-ra-rat-da dati
Da-ra-rat-da dati
Na gaya pa rin ngNg dati